TAMA NA. SIGE PA: Unspoken
July 07, 2017
Tama na.
Sige pa.
Paano ko tatapusin ang sakit na sinimulan mo?
Kung hindi mo nga nagawang tulungan ako
Nilubog mo ko sa kumunoy na ito
Iniwang nakalugmok ang puso kong bato
Paano mo nagagawang magpakasaya
Kung sa gayong alam mong nakasakit ka ng iba
Paano mo nagagawang ngumiti't tumawa
Di mo ba alam na may pinaiyak ka pala?
Pero kahit na ganon, di ko alam kung ano bang meron sayo
Na nagdidikta sa sadista kong isip at manhid kong puso
Para pilit pang magtalo kung ano ba ang gagawin ko
Kahit na malinaw nang " wala nang 'tayo' "
Tama na bumitaw na siya.
Sige pa kumapit ka pa.
Tama na magpahinga ka na.
Sige pa lumaban ka pa.
Tama na nagmumukha ka ng tanga.
Sige pa di naman masamang umibig ka sa kanya.
Tama na may mahal na siyang iba.
Sige pa mahal mo siya diba?
Tama na iniwan ka na niya.
Sige pa habulin mo siya.
Tama na di mo na kaya.
Sige pa tiisin mo pa.
Diyan ka naman masaya diba?
Ang magpaka-martir sa tulad niyang wala namang kwenta
Kailan kaya darating ang araw na masasabi ko naman sa sarili ko na..
Tama na bumitaw ka na
Wala ng dahilan para kumapit ka pa.
Sige pa hayaan mong ika'y umiyak
Hanggang sa dumating ang araw na wala na yang ipapatak.
Tama na maging masaya ka na lang sa kanila
Dahil marami pa diyang iba
Sige pa magmahal ka pa
Pero jusko naman! wag na sa kanya
Sana naman natauhan ka na
Sa tulad niyang paasa
Kaya..
Tama na. Wala nang sige sige pa.
Tama na. Huwag ka nang humirit pa.
Tama na. Sapat nang..
Tama na. Tama na.
0 comments